Ayaw sa Akin ng Parents ng Girlfriend ko.

6 February 2019 Dear Bebelabs


Anong gagawin mo kung ayaw sayo ng parents ng jowa mo?

Sino nga bang hindi gugustuhin na maging super hero, millionaire, hunk model, GOD look a like for the meantime para lang magustuhan ng mga magulang
ng taong mahal mo?

Isa talaga sa pinaka mahirap na harapin ay ang mga magulang ng taong mahal mo kahit pa alam mo sa sarili mo na malinis naman talaga ang instensyon mo
sa babaeng ‘yon, kaya diba dapat wala kang ika-kaba at ika-takot? Hindi pala, Mali pala ako.

Minsan ginawa naman natin ang lahat ng Effort, lahat ng pagpapaka buti para lang magustuhan tayo ng mga magulang ng taong mahal natin pero hindi padin talaga sapat.

Ikaw ano nga ba ang kaya mo gawin at kaya mong ibigay para lang makuha mo ang loob ng mga magulang ng taong mahal na mahal mo?


Share